Author Archives: teresadebuque

Panawagan Mula sa Bagong Secretary-General ng United Nations Para sa Kapayapaan

1 Enero 2017, New York

Sa aking unang araw bilang Secretary-General ng United Nations, isang tanong ang nagpapabigat sa aking puso.

Paano natin matutulungan ang milyun-milyong tao na nadaramay sa hidwaan, at lubos na naghihirap sa mga digmaan na parang walang katapusan?

Ang mga sibilyan ay pinupulbos ng nakamamatay na pwersa. Mga kababaihan, kabataan, at kalalkihan ay namamatay at nasusugatan, pinapaalis sa kanilang tahanan, at iniiwang walang-wala. Kahit mga ospital at tagapagdala ng tulong ay di ligtas.

Walang panalo sa mga digmaang ito; lahat ay talo. Trilyong dolyar ang ginugugol upang sirain ang mga lipunan at ekonomiya, na nagdudulot ng takot at kawalang-tiwala na nagtatagal ng ilang henerasyon. Buong mga rehiyon ang nanganganib na madurog at tayong lahat ay apektado ng bagong banta ng terorismong pandaigdiagan.

Sa Bagong Taon, hinihikayat ko kayong lahat na samahan ako sa aking panata:

Pagsumikapan nating unahin ang kapayapaan.

Nawa’y gawin natin ang 2017 na isang taon kung saan lahat tayo—mamamayan, pamahalaan, lider—ay magsusumikap na isantabi ang ating mga pagkakaiba.

Mula sa pakikiisa at pakikidalamhati sa ating pang-araw-araw na buhay patungo sap ag-uusap at respeto sa kabila ng pagkakaiba sa pulitika. Mula sa tigil-putukan sa lugar ng digmaan patungo sa pagbibigayan sa negosasyon upang marating ang mga solusyong political.

Dapat ay kapayapaan ang ating layunin at patnubay.

Lahat ng pinagsusumikapan natin bilang bahagi ng lipunan—dignidad at pag-asa, kaunlaran at prosperidad—ay nangangailangan ng kapayapaan.

At ang kapayapaang ito ay nakaatang sa atin.

Nananawagan ako sa inyong lahat na samahan ako sa pangakong patatagin ang kapayapaan, ngayon at sa bawat araw.

Gawin nating taon ng kapayapaan ang taong 2017.

Salamat.

Panawagan Para sa Kapayapaan ng Bagong Secretary-General ng United Nations

1 Enero 2017, New York

Sa aking unang araw bilang Secretary-General ng United Nations, isang tanong ang nagpapabigat sa aking puso.

Paano natin matutulungan ang milyun-milyong tao na nadaramay sa hidwaan, at lubos na naghihirap sa mga digmaan na parang walang katapusan?

Ang mga sibilyan ay pinupulbos ng nakamamatay na pwersa. Mga kababaihan, kabataan, at kalalkihan ay namamatay at nasusugatan, pinapaalis sa kanilang tahanan, at iniiwang walang-wala. Kahit mga ospital at tagapagdala ng tulong ay di ligtas.

Walang panalo sa mga digmaang ito; lahat ay talo. Trilyong dolyar ang ginugugol upang sirain ang mga lipunan at ekonomiya, na nagdudulot ng takot at kawalang-tiwala na nagtatagal ng ilang henerasyon. Buong mga rehiyon ang nanganganib na madurog at tayong lahat ay apektado ng bagong banta ng terorismong pandaigdiagan.

Sa Bagong Taon, hinihikayat ko kayong lahat na samahan ako sa aking panata:

Pagsumikapan nating unahin ang kapayapaan.

Nawa’y gawin natin ang 2017 na isang taon kung saan lahat tayo—mamamayan, pamahalaan, lider—ay magsusumikap na isantabi ang ating mga pagkakaiba.

Mula sa pakikiisa at pakikidalamhati sa ating pang-araw-araw na buhay patungo sap ag-uusap at respeto sa kabila ng pagkakaiba sa pulitika. Mula sa tigil-putukan sa lugar ng digmaan patungo sa pagbibigayan sa negosasyon upang marating ang mga solusyong political.

Dapat ay kapayapaan ang ating layunin at patnubay.

Lahat ng pinagsusumikapan natin bilang bahagi ng lipunan—dignidad at pag-asa, kaunlaran at prosperidad—ay nangangailangan ng kapayapaan.

At ang kapayapaang ito ay nakaatang sa atin.

Nananawagan ako sa inyong lahat na samahan ako sa pangakong patatagin ang kapayapaan, ngayon at sa bawat araw.

Gawin nating taon ng kapayapaan ang taong 2017.

Salamat.

 

Mensahe ng Secretary-General para sa World Humanitarian Day, 19 August 2016

Profile-Picture

May isang daan at tatlumpung milyong katao ngayon ang umaasa sa makataong ayuda, o humanitarian assistance. Kapag pinagsama-sama ang mga ito, ang mga taong nangangailangan ng ganitong uri ng tulong ay sing-dami na ng ikasampung pinaka-mataong bansa sa mundo.

Ang mga datos na ito ay tunay na kahindik-hindik, subalit maliit na bahagi lamang ito ng buong kuwento. Di makikita sa mga istatistika ang mga indibidwal, mga pamilya, at mga komunidad na pinagsakluban ng kamalasan sa buhay. Sila ay di naiiba sa iyo o sa akin: mga bata, kababaihan, kalalakihan na nahaharap sa mahirap at imposibleng pagpipili araw-araw. Sila ay mga magulang na kailangang mamili kung pagkain ba o gamot ang bibilhin para sa kanilang mga anak; mga anak na kailangang mamili kung mag-aaral ba sila o tutulong sa pagsuporta sa kanilang pamilya; mga pamilya na napapagitna sa panganib ng bomba sa tinutuluyan o sa panganib ng haharapin sa pagtakas sa karagatan.

Ang kasagutan sa mga krisis na naglagak sa mga tao sa nakakawalang-pagasang paghihirap ay hindi simple o madali. Subalit may maaari tayong gawin–ngayon at araw-araw. Kaya nating magpakita ng pakikidalamhati, maaari tayong makiisa sa mga lumalaban sa kawalan ng hustisya, at pwede tayong mag-ambag tungo sa pagbabago.

Ang World Humanitarian Day ay taunang pagpapaalala sa pangangailangang kumilos upang maibsan ang matinding kahirapan. Ito ay pagkakataon rin upang bigyang pugay ang mga humanitarian workers at volunteers na nangunguna sa pagharap sa mga krisis. Nagbibigay pugay ako sa mga kababaihan at kalalakihan na walang-sawang humaharap sa panganib upang tumulong sa kapwa nilang nahaharap sa mas matindi pang panganib.

Ngayon, inaanyayahan ko ang lahat na sumali sa kampanyang “World You’d Rather,” o “Sana Ganito ang Mundo” ng United Nations. Maliban sa pagpapalawak ng kaalaman at pagpapaigting ng pakikiisa, ang kampanyang ito ay naglalayon na lumikom ng pera para sa Central Emergency Fund ng UN at hikayatin ang mga indibidwal na maging “Messengers of Humanity.” Dapat lahat ng tao ay maghikayat sa kani-kanilang pamahalaan na unahin ang kapakanan ng sangkatauhan.

Mga ilang buwan lang ang nakakaraan, may siyam na libong katao ang nagtipon-tipon sa Istanbul upang dumalo sa kauna-unahang World Humanitarian Summit. Nangako ang mga lider ng bansa na aayusin ang buhay ng mga taong apektado ng hidwaan, kalamidad, disgrasya, at matinding kahinaan. Sinuportahan nila ang Agenda for Humanity at ang pangako nitong walang sinuman ang maiiwan.

Ang pangakong ito ay sinasapuso rin ng Sustainable Development Goals. Sa pagtutok nito sa karapatang pantao, sa kakayahang makabangon sa disgrasya, at sa pagwakas sa kahirapan, ang labing-pitong layuning ito ay tumatayo bilang plano sa susunod na labing-limang taon upang mabawasan ang mga pangangailangan at kahinaan, at upang maitaguyod ang isang mundo na puno ng kapayapaan, dignidad at oportunidad para sa lahat. Maipapatupad natin ang pinag-isang paglalakbay na ito kung bawat isa ay mag-aambag. Ang bawat isa sa atin ay may magagawang kabutihan. Sa araw na ito, ang World Humanitarian Day, tayo ay magsama-sama sa ngalan ng sangkatauhan at ipakita na walang isa mang tao ang maiiwanan.

Mensahe ng UN Secretary-General sa Pandaigdigang Araw ng mga Katutubo, 9 August 2016

ScreenHunter_753 Aug. 09 09.51Ang 2030 Agenda for Sustainable Development  na sinangayunan ng mga lider ng bansa nang taong nakaraan ay naka-base sa prinsipyo na walang dapat maiwan sa pagtahak natin patungo sa mundo ng may kapayapaan at dignidad, oportunidad at kasaganaan. Ang mga katutubo ay isa sa mga grupong madalas mapag-iwanan.

Ang mga katutubo ay nahaharap sa napakaraming hamon, tulad ng diskriminasyon, pag-angkin sa kanilang lupain at karapatan sa lupa, at kakulangan ng natatanggap na serbisyo publiko. Nahaharap din ang mga katutubo sa paglibak sa kanilang katauhan bilang katutubo, sa kawalan ng respeto at pagkilala sa kanilang ambag at kasaysayan, na kitang-kita sa mga aklat aralin at iba pang basahing pang-edukasyon. Ang pagtuturo ay ginagawad sa lengwaheng pambayan, at walang pagkilala sa mga lengwaheng katutubo.

Matindi ang kinahitanan nito. Sa buong mundo, ang mga batang katutubo ay  nagtatapos sa high school na may gradong higit na mababa sa karaniwan. Sa ilang bansa, kulang sa 40 porsiyento ng mga batang katutubo ang nakapagaaral nang tuloy-tuloy. Kakaunti ring batang katutubo ang nakakatapos ng high school. Hindi ito katanggap-tanggap. Hindi natin makakamit ang Sustainable Development Goals kung hindi natin haharapin ang mga pangangailanan sa pag-aaral ng mga katutubo.

Sa mga nakaraang dekada, marami na ring naabot ang mundo sa pagsusulong sa mga karapatan ng katutubo. May tatlong mekanismo na itinatag ang United Nations upang paunlarin ang kanilang kapakanan: ang Permanent Foum on Indigenous Issues; and Special Rapporteur on the Rights of Indigenous Peoples; at ang Expert Mechanism on the Rights of Indigenous Peoples. Nariyan ang Deklarasyon ng United Nations patungkol sa mga Karapatan ng Katutubo na pinagtibay ng General Assembly noong ika-13 ng Setyembre 2007. Ang Deklarasyong ito ang basehan ng pagkilala, pagsusulong, at proteksyon ng mga karapatan ng katutubo.

Noong Setyembre 2014, pinagtibay ng unang World Conference on Indigenous Peoples ang isang dokumentong naglalaman ng mga aksyon upang maipatupad ang Deklarasyon patungkol sa mga Karapatan ng Katutubo. Dahil dito, mayroon tayo ngayong UN System Wide Action Plan upang maisulong ang kaalaman at aksyon tungo sa implementasyon ng Deklarasyong ito ng UN, lalong lalo na sa pambansang antas.

Sa Pandaigdigang Araw ng mga Katutubo sa Mundo, tinatawagan ko ang lahat ng pamahalaan na gawing basehan ang Deklarasyong ito upang paigtingin ang karapatang mag-aral ng mga katutubo at upang bigyang halaga ang kultura at karanasan ng mga katutubo sa paaralan. Pagtulungan nating siguraduhin na ang mga katutubo ay di maiiwan sa pagtahak natin patungo sa adhikain ng Sustainable Development Goals.

Maaring ma-download ang UN System Wide Action Plan sa:  http://bit.ly/1ruOgrs

ScreenHunter_754 Aug. 09 09.56

 

Mensahe ng Secretary-General sa International Day of Enforced Disappearances (30 August)

Ang mga bikitima ng pwersadong paglalaho ay tinatanggalan ng kalayaan, palihim na diniditene at at bihirang pinapalaya. Malimit na walang kasiguruhan ang kanilang kapalaran; madalas silang pinapahirapan nang labis at parating may takot na mapatay. Kahita pa sila ay mapalaya sa bandang huli, ang kanilang mga sugat na katawan at sa pag-iisip ay habang-buhay na mananatili sa kanila.

Ang pwersadong paglalaho ay hindi lang gawain ng mga nakalipas na diktaturyang military; ginagawa pa rin ito ng ilang mga bansa. Sa nakalipas na taon lamang, nakatanggap ng 246 kahilingan mula sa mga kamag-anak na umaksyon ang Committee on Enforced Disappearances at ang Working Group on Enforced or Involuntary Disappearance — – ang dalawang mekanismo sa United Nations ukol sa pwersadong paglalaho, na binubuo ng mga expertong independiyente. Ang bilang ng kahilingang ito ay katiting lamang sa libu-libong kaso na hindi naiuulat dahil sa mga problemang pansiguridad o dahil sa kakulangan ng mga mekanismong internasyonal na makakapagbigay-tulong.

Sa mga nakalipas na taon, dumarami na rin ang bilang ng mga insidente na nagdadawit sa mga armadong grupong terrorista sa mga pwersadong paglalaho at sa pang-aabuso ng karaptang pantao.

Ang pagbabawal sa pwersadong paglalaho ay lubusan. Ayon sa International Convention for the Protection of All Persons from Enforced Disappearance, ang pwersadong paglalaho ay ipinagbabawal sa lahat ng pagkakataon, kabilang ang digmaan, kawalang-katatagan sa pulitika, at iba pang pampublikong kagipitan.

Ang Convention ay nagkaroon ng pwersa noong 2010, nilagdaan ng 93 estado, at na-ratipika ng 50 estado. Ito ay nagbibigay ng matibay na pundasyon para sa paglaban sa pag-iwas sa kaparusahan, pangangalaga sa pwersadong pinaglahong mga tao at ang kanilang mga pamilya, at pagpapalakas sa mga proteksyon na binibigay ng batas, kabilang ang imbestigasyon, prosekusyon, hustisya at pagbabayad-puri.

Sa Araw na ito, nananawagan ako sa mga miyembrong estado ng United Nations na mabilisang i-ratipika ang Convention, at ipatupad ito. Panahon na upang tapusin ang pwersadong paglalaho.

Mensahe ng UN Secretary-General para sa World Humanitarian Day (19 August 2015)

Sa World Humanitarian Day, binibigyang parangal natin ang dedikasyon at sakripisyo ng mga manggagawa at boluntaryo sa buong mundo na nagtatalaga ng kanilang mga sarili upang tulungan ang pinaka-mahina at walang kakayahang ipagtanggol ang sarili.

Sa taong ito, higit sa 100 milyong kababaihan, kalalakihan at mga bata ay nangangailangan ng ayudang pansagip-buhay. Ang bilang nga mga taong apektado ng kaguluhan at pakikipaglaban ay umabot na sa antas tulad nang sa Pangalawang Digmaang Pandaigdigan, o Second World War, samantalang ang bilang ng apektado ng kalamidad ay nananatiling mataas.

Sa Araw na ito, ipinagdiriwang din natin ang ating pagkatao. Ang mga pamilya at komunidad na nagsusumikap na makaahon sa mga kagipitan ngayon ay nagpapakita pa rin ng dignidad at katatagan. Kinakailangan nila ang ating pinagibayong pangako na gagawin ang lahat upang mabigyan sila ng mas maiging kinabukasan.

Bawat isa sa atin ay maaaring makatulong, lalong lalo na sa ating mundo ngayon na inuugnay sa paraang “digital.” Bawat isa sa atin ay may kakayanan at responsibilidad na himukin ang ating kapwa tao na tumulong sa iba at lumikha ng isang mundong higit na makatao.

Sa World Humanitarian Day ngayong taon, hinihimok ko ang lahat na magpakita na pakikiisa bilang mamamayang pandaigdigan sa pamamagitan ng pagsali sa #ShareHumanity campaign. Ipahiram ninyo ang inyong social media feed sa isang araw upang itaguyod ang paggawang makatao at tulungang marinig ang mga walang boses sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang mga kwento ng kahirapan, pagasa, at pagbangon.

Sa susunod na Mayo, magaganap sa istanbul, Turkey ang unang World Humanitarian Summit. Ang Summit na ito ay magbibigay-daan sa mga pinuno ng mga bansa, at mga lider ng NGO, pribadong sektor, mga komundidad na na-apektuhan ng krisis, at mga ahensiyang multilateral na makapag-anunsiyo ng mga bagong pagkaka-sama na makapagbabawas ng paghihirap at upang mapalakas ang 2030 agenda para sa sustainable development.

Umaasa ako sa suporta ng lahat ng sektor ng lipunan upang maging matagumpay ang World Humanitarian Summit. Sa ating pagtutulong-tulong, makapagtatayo tayo ng isang mundong mas makatao at may mas malalim na panata para sa nakapagsasagip-buhay na aksyong makatao.